Answer:X Ang mga Polis Bunsod ng mga labanan bago pa ang pagsibol ng Hellenic, nagpagawa ng mga tanggulan ang mga Greek na inilagay sa tabi ng mga burol at sa mga ibabaw ng bundok upang maitanggol ang kanilang sarili sa paglusob ng samu't saring pangkat. Dito nag-umpisa ang mga lungsod-estado o polis kung saan galing ang salitang may kaugnayan sa komunidad tulad ng pulisya, politika at politiko. May iba't ibang lawak ang polis. Ang pinakanararapat na dami na dapat bumuo ng polis ay 5000 na kalalakihan sapagkat sila lamang ang nailalagak sa opisyal na listahan ng dami ng tao ng lungsod-estado. Halos lahat ng mga polis ay may mga bayang makikita sa matatayog na lokasyon na tinatawag na acropolis o mataas na lungsod. Sa oras ng labanan, ito ang nagsilbing sandalan ng mga Greek bilang kanilang kalasag. Sa acropolis makikita ang mga nagtataasang tirahan ng hari at templo na pinamamahayan ng mga oracle o propeta kung kaya't ito ang naging lunduyan ng politika at pananampalataya ng mga Greek. Ang mababang parte naman ay tinawag na agora o pamilihan ng bayan. Napapalibutan ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na naging dahilan sa malayang pagbebenta at pakipagpalitan ng mga produkto. Sa mga lungsod-estado, nadama ng mga Greek na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang katuwiran kung bakit ibinigay naman nila ang kanilang katapatang-loob at paglilingkod. Mayroon ding mga dayuhan na naninirahan sa lungsod-estado, ngunit tanging ang mga mamamayan ng polis lamang ang pinagkakalooban ng kapangyarihan na pumili ng mga pinuno, magkaroon ng ari- arian, mabigyan ng katungkulan sa pamahalaan, at maipagtanggol ang sarili sa mga hukuman. Bilang kapalit, sila ay dapat na aktibo sa pamayanan, handang sumaklolo at magbigay-kalinga sa mga polis sa oras ng digmaan. Dahil dito, nagbunga ito ng paglago ng mga lungsod-estado at napalakas pa ito sa pag-unlad ng pagpapalitan ng mga produkto. Kalakip dito ang pagtaas ng bilang ng mga tao na naging dahilan naman kung bakit lumipat sa ibang lupain ang mga Greek. Ang iba ay nagpunta sa baybaying dagat ng Mediterranean at Iton. Kahit na napadpad sila at namuhay sa malalayong pook, patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pinanggalingang lungsod-estado o metropolis. 7 CO Q2 AP-B Module 1 Bunga ng pakikipagpalitan ng mga produkto sa iba't ibang sulok ng mundo, natuklasan ng mga Greek ang mga bagong kaisipan at pamamaraan. Ang alpabetong kanilang ginagamit at paggawa ng mga malalaki at matutuling sasakyang pandagat ay hinango mula sa mga Phoenician. Samantala, natutunan nila sa mga Sumerian ang tamang pamamaraan sa pagsukat at ang paggamit ng barya sa komersiyo at kalakalan ay nakuha naman nila sa mga Lydian. Mga Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa loob ng mga Polis? 2. Paano ipinapakita ang ugnayan ng mamamayan at ng kanilang pamahalaan sa mga lungsod-estado? 3. Paano nakatulong ang pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Greek sa pagpapayabong ng kanilang kaalaman sa iba't ibang larangan? 4. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pakikipagkalakalan ng ating bansa sa iba't ibang bansa sa kasalukuyan?