Bayan kong iniirogAking bayang mahal, tahanang kay ganda,Sa puso’t isipan, ika’y nakalathala.Luntiang kapatagan, bundok na mataas,Ang iyong yama'y, lalong napamalas.Sa tuwing may unos, ika’y lumalaban,Bawat mamamayan ay may pagbabayanihan.Sa hirap at ginhawa, ika’y sinasamahan,Pagmamahal sa 'yo'y di kailanman lilisanan.Ako’y mag-aaral, pangarap ay buo,Balang araw ay tutulong sa’yo.Sa pag-aaral ko’y ‘di ako susuko,Tagumpay para sa bayan, iaalay ko.Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, at karanasan gamit ang masining na salita at tugma. Ang naturang halimbawa ay may tatlong saknong na may tig-aapat na taludtod.