Sa lipunan ng mga Sumerian, ang tawag sa pinakamataas na uri ng tao ay ang ruling class. Kasama rito ang mga hari at pari, na may malaking kapangyarihan. Ang mga hari ay itinuturing na itinalaga ng mga diyos, kaya mataas ang respeto ng mga tao sa kanila. Sila ang namumuno sa lungsod-estado at gumagawa ng mahahalagang desisyon para sa buong komunidad.Ang mga pari, lalo na ang mga high priests, ay may malaking impluwensiya rin, lalo na noong unang panahon. Sila ang namumuno sa mga ritwal at paniniwalang panrelihiyon, kaya malaki ang papel nila sa pamumuhay ng mga Sumerian.May iba namang pinagmulan o sources na nagsasabi na magkahiwalay ang antas ng hari at pari. Sinasabi na mas mataas ang hari at sumunod pa sa kaniya ang pari.