Ang pamahalaang barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan sa sinaunang Pilipinas. Pinamumunuan ito ng datu, at karaniwang binubuo lang ito ng ilang pamilya. Makikita ito sa buong kapuluan bago pa dumating ang mga Espanyol.Samantala, ang pamahalaang sultanato ay isang mas malawak at organisadong pamahalaan na makikita sa Mindanao. Pinamumunuan ito ng sultan, na may kapangyarihang politikal at relihiyoso. Isa sa mga unang nagtatag nito sa Pilipinas ay si Sharif ul-Hashim o Abu Bakr sa Sulu.