HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2025-07-25

"Ang Lihim na Sulat" Habang naglilinis ng lumang baul si Erika sa bahay ng kanyang lola, nakakita siya ng isang lumang sulat na may kulay asul na laso. Maingat niya itong binuksan at nabasa ang sulat mula sa isang sundalong nagngangalang Antonio para sa kanyang pamilya. Ang petsa sa sulat ay taong 1945. Natuwa si Erika at agad itong ipinakita sa kanyang lola. Napaluha ang matanda at sinabi, "Si Antonio ang kapatid kong hindi na namin muling nakita matapos ang digmaan." Dahil dito, napagpasyahan ni Erika na ipasa ang sulat sa lokal na museo upang maipreserba at maibahagi ang kwento ng kanilang pamilya. Mula noon, naging mas interesado si Erika sa kasaysayan, lalo na sa mga kwento ng kanyang mga ninuno. Sagutin ang mga tanong sa ibaba: 1.Saan natagpuan ni Erika ang sulat? 2.Sino si Antonio sa kwento? 3. Ano ang naramdaman ng lola ni Erika nang makita ang sulat? Ipaliwanag. 4. Bakit ipinasya ni Erika na ibigay sa museo ang sulat? 5. Kung ikaw si Erika, ano ang gagawin mo sa sulat? Bakit?​

Asked by casalekim00

Answer (1)

Answer:1. Natagpuan niya ito sa lumang baul.2. Si Antonio ang kapatid ng kanyang Lola na naging sundalo nun digmaan.3. Nang mabasa ito ng kanyang Lola, ito ay napaluha at nasambit na kapatid niya nga si Antonio 4. Ipinasya niyang ibigay ito sa Museo sa kadahilananh ang sulat na ito ay alaala o kwento ng digmaan o bahagi ng kasaysayan noong taong 1945 at dahil narin sundalo ng digmaan ang Lolo niyang si Antonio.5. Ippreserba ang sulat at ibibigay ko rin ito sa museo upang mas mapangalagaan ang kasaysayan at mas maraming kabataan ang makaalam pa nito.

Answered by smartAlex888 | 2025-07-25