Ang unang kabihasnan sa daigdig ay umusbong sa Mesopotamia. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang ilog — Tigris at Euphrates, sa lugar na ngayon ay bahagi ng Iraq.Dito nagsimulang magtayo ng lungsod, magsaka, at gumawa ng batas ang mga tao noon. Ang pinakaunang kabihasnan na umusbong dito ay ang Sumerian.Mga kabihasnan na umusbong sa Mesopotamia:Sumerian – Unang kabihasnan; nakaimbento ng cuneiform at lungsod-estado.Akkadian – Unang imperyo; pinamunuan ni Sargon the Great.Babylonian – Kilala sa Code of Hammurabi, unang batas sa kasaysayan.Assyrian – Malalakas na mandirigma at mahusay sa pamahalaan.Chaldean – Muling pinatayo ang Babylon; nagtayo ng Hanging Gardens.