Ang mga Negrito, tulad ng Aeta, Agta, at Ati, ang itinuturing na pinakamatandang pangkat ng tao sa Pilipinas. Dumating sila mahigit 30,000 taon na ang nakalilipas gamit ang mga tuyong lupain (land bridges) mula sa mainland Asia. Kilala sila sa kanilang maliit na pangangatawan, kulot na buhok, at nomadic na pamumuhay.Dahil dito, sila ang unang nanirahan sa kapuluan bago dumating ang iba pang pangkat tulad ng mga Malay.