Ang pang-uri pahambing ay bahagi ng pang-uri na ginagamit upang ikumpara ang dalawang tao, bagay, hayop, o pangyayari. Ginagamit ito para maipakita ang pagkakaiba o pagkakapantay ng mga katangian ng dalawang bagay o nilalang. Mahalaga ito sa paglalarawan at pagsusuri.Tatlong Uri ng PahambingPahambing na Magkatulad – pantay ang katangianHalimbawa: Si Ana ay kasingbait ni Maria.Pahambing na Di-magkatulad (Higit) – mas mataas ang katangian ng isaHalimbawa: Mas matangkad si Luis kaysa kay Carlo.Pahambing na Di-magkatulad (Kulang) – mas mababa ang katangian ng isaHalimbawa: Hindi siya kasingtalino ng kanyang kapatid.