HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Senior High School | 2025-07-24

Ano Ang sistemang pang ekonomiya Ang bansang Cuba at bakit?

Asked by bundanlorina0120

Answer (1)

Ang sistemang pang-ekonomiya ng Cuba ay komunismo o command economy. Sa ganitong sistema, ang gobyerno ang may kontrol sa mga pangunahing industriya tulad ng agrikultura, transportasyon, at kalakalan. Hindi pribado ang pag-aari ng negosyo; karamihan ay pag-aari ng estado.Bakit?Dahil ang Cuba ay isang sosyalistang bansa simula pa noong 1959 matapos ang rebolusyong pinamunuan ni Fidel Castro. Naniniwala ang kanilang pamahalaan na sa pamamagitan ng paggamit ng centralized planning, mas mapapantay ang yaman at mababawasan ang kahirapan.Halimbawa:Ang mga manggagawa ay tinatalaga ng gobyerno.Ang presyo ng mga produkto ay hindi palaging batay sa demand kundi ayon sa plano ng estado.

Answered by BrainlyModIsBusy | 2025-07-24