Lymphatic System Ang lymphatic system ay bahagi ng circulatory at immune systems. Ito ay isang network ng lymph vessels, lymph nodes, at iba pang organs tulad ng spleen at thymus. Layunin nitong:Ibabalik ang excess fluid mula sa tissues pabalik sa bloodstream,Tumulong sa pagdepensa laban sa sakit.Ang lymphatic system ay nagdadala ng lymph — isang clear fluid na may white blood cells (lalo na lymphocytes). Kapag may bacteria o virus sa katawan, ang lymph nodes ay nag-a-activate ng mga lymphocytes upang labanan ito. Kaya’t kapag may impeksyon, lumalaki ang lymph nodes (hal. sa leeg).Mga pangunahing bahagi:Lymph vessels – parang blood vessels pero para sa lymph fluid.Lymph nodes – sinasala ang lymph at nilalabanan ang mikrobyo.Thymus – kung saan nagma-mature ang T-cells.Spleen – sinasala ang dugo, lumalaban sa pathogens, at binubuwag ang old red blood cells.Tonsils – nagpoprotekta laban sa microbes na pumapasok sa bibig o ilong.Isa pang tungkulin ng lymphatic system ay ang pagsipsip ng fats mula sa digestive system. Ginagawa ito ng mga lacteals sa small intestine.Kapag hindi gumana nang tama ang lymphatic system, maaaring magkaroon ng lymphedema (pamamaga dahil sa naipong fluid) o madali tayong tamaan ng impeksyon.Kaya’t mahalaga sa Anatomy na pag-aralan ang lymphatic system bilang bahagi ng immune defense. Ito ang tahimik pero mahalagang tagapagtanggol ng katawan mula sa sakit.
Ang lymphatic system ay bahagi ng ating katawan na binubuo ng mga lymph nodes (kulani), lymph vessels (daluyan ng lymph), spleen (limpa), thymus, at lymph (likido). Ang pangunahing tungkulin nito ay tulungan ang katawan na labanan ang mga sakit at pagpapanatili ng balanse ng likido sa mga tisyu.Tumutulong ito sa immune response sa pamamagitan ng:Pagdadala ng mga white blood cells (puting selula ng dugo) na lumalaban sa mikrobyo at virus.Pagsala ng mga bacteria at virus sa lymph nodes bago kumalat sa buong katawan.Pagtukoy at pagsira sa mga dayuhang mikroorganismo na maaaring magdulot ng impeksyon.Sa madaling salita, ang lymphatic system ay tagabantay ng ating kalusugan sa pamamagitan ng pagtulong sa immune system na depensahan tayo laban sa sakit.