Ang endocrine system ay sistema ng mga glandula sa ating katawan na responsable sa paggawa at paglalabas ng hormones.Ang hormones ay ang mga kemikal na nagsisilbing tagapag-ugnay ng mga mensahe mula sa isang bahagi ng katawan patungo sa iba pang bahagi. Ang nervous system ay gumagamit ng electrical signals sa mga neurons at mabilis ang reaksyon, ngunit panandalian.Madalas, nagtutulungan ang dalawang sistemang ito. Kapag tayo ay natakot, ang hypothalamus (bahagi ng utak) ay mag-uutos sa adrenal glands na maglabas ng adrenaline — isang hormone na nagpapabilis ng tibok ng puso at nagpapalakas sa ating “fight or flight response".