HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Biology / Senior High School | 2025-07-24

Ano ang ""epithelial tissue"" at ano ang mga pangunahing tungkulin nito?

Asked by renzolacuarin324

Answer (1)

Ang epithelial tissue ay isa sa apat na pangunahing uri ng tissue sa katawan ng tao. Ito ay binubuo ng mga cells na magkakadikit at bumabalot sa panlabas na bahagi ng katawan (gaya ng balat), at sa panloob na lining ng mga organs, blood vessels, at cavities.Isa sa pangunahing tungkulin ng epithelial tissue ay ang proteksyon. Pinoprotektahan nito ang mga internal organs laban sa bacteria, dehydration, at physical trauma.Iba pang mahahalagang tungkulin ang epithelial tissue:Absorption – Sa lining ng intestines, ina-absorb ng epithelial cells ang nutrisyon mula sa kinain natin.Secretion – Maraming glands sa katawan, gaya ng sweat glands at salivary glands, ay binubuo ng epithelial tissue. Sensation – May epithelial tissues na sensitibo at may nerve endings, tulad ng nasa balat, dila, at ilong.Filtration – Sa kidneys, may specialized epithelial cells na nagsasala ng dugo upang bumuo ng ihi.

Answered by keinasour | 2025-07-26