HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Biology / Senior High School | 2025-07-24

Ano ang ""connective tissue"" at bakit ito mahalaga sa katawan?

Asked by Joyefabian5346

Answer (1)

Ang connective tissue ay isang uri ng tissue. Ito ay mahalaga dahil ito'y may layuning magdugtong, sumuporta at protektahan ang iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang connective tissue ay may mas maraming extracellular matrix — ito ang gel-like substance sa pagitan ng mga cells na nagbibigay ng lakas at elastisidad.Iba’t ibang uri ng connective tissue:Loose connective tissue – Pinupuno ang espasyo sa pagitan ng organs at tumutulong sa pagdikit ng mga ito.Dense connective tissue – Matatagpuan sa tendons at ligaments; nagbibigay ng lakas at flexibility.Adipose tissue – Kilala bilang body fat; nag-iimbak ng enerhiya at nagbibigay ng insulasyon sa katawan.Cartilage – Flexible na tissue na matatagpuan sa joints, tainga, at ilong.Buto– Matigas na tissue na bumubuo sa skeletal system.Dugo– Isang uri rin ng connective tissue na may liquid matrix (plasma); nagdadala ng oxygen, nutrients, at hormones.Kung walang tendons na gawa sa dense connective tissue, hindi magdudugtong ang muscles at bones. Kung wala namang dugo, hindi maaabot ng oxygen ang iba't ibang bahagi ng katawan. Kaya naman higit na mahalaga ang connective tissue.

Answered by keinasour | 2025-07-26