Ang nucleus ay ang sentral na bahagi ng cell na kadalasang makikita sa gitna. Ito ay parang “utak” ng cell dahil dito makikita ang DNA o deoxyribonucleic acid, na naglalaman ng instructions kung paano dapat gumana ang buong cell. May dalawang bahagi ang nucleus: ang nuclear membrane at ang nucleolus. Ang nuclear membrane ay doble at may pores na nagkokontrol kung anong molecules ang makakapasok o lalabas. Samantalang ang nucleolus ay ang lugar kung saan ginagawa ang ribosomal RNA, isang mahalagang bahagi ng ribosome, na siya namang tagagawa ng proteins.Ang nucleus ay may tungkulin sa:Paggawa ng proteins: Sa pamamagitan ng DNA at RNA, nalalaman ng cell kung anong klaseng protein ang kailangan at kailan ito gagawin.Cell division: Kung kailan dapat magdivide ang cell ay kontrolado rin ng nucleus.Pagkakakilanlan ng cell: Ang genetic material sa nucleus ang nagsasabi kung anong uri ng cell iyon — muscle cell ba siya o nerve cell?