Ang hormones ay mga kemikal na ipinapalabas ng mga glands ng endocrine system na nagsisilbing tagapagdala ng impormasyon mula sa isang bahagi ng katawan patungo sa iba. Isa sa kanilang pinakamahalagang tungkulin ay ang pagtulong sa growth and development ng katawan mula pagkabata hanggang sa adulthood.Ang pangunahing hormone na responsable sa paglaki ay ang growth hormone (GH) na ginagawa ng pituitary gland. Ang GH ay nagpapasigla sa mga bone cells at muscle tissues na lumaki. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga bata ay tumatangkad, tumitibay ang buto, at lumalaki ang katawan.Bukod sa GH, ang thyroid hormones (T3 at T4) ay tumutulong sa metabolic rate ng katawan. Kung kulang ang thyroid hormone, nagiging mabagal ang growth, tumataba ang bata, at mabagal ang mental development—isang kondisyon na tinatawag na cretinism kung bata pa.Sa panahon ng puberty, ang mga sex hormones ay tumataas. Sa mga lalaki, ang testosterone ay nagdudulot ng paglaki ng balbas, pagbabago ng boses, at muscle growth. Sa mga babae, ang estrogen at progesterone ay nagdudulot ng development ng breast, hips, at regulation ng menstrual cycle.Mahalaga rin ang hormones sa cell repair, tissue regeneration, at organ development. Halimbawa, ang insulin-like growth factor (IGF) ay nagtutulungan sa GH para sa development ng cartilage at bones.Kapag may imbalance sa hormones—masyado mang marami o kaunti—nagkakaroon ng problema. Halimbawa, kung sobra ang GH, maaaring magkaroon ng gigantism o acromegaly. Kung kulang naman, maaaring dwarfism ang resulta.