Ang lymphatic system ay tumutulong sa immune system sa pamamagitan ng pag-transport ng lymph fluid na may white blood cells para labanan ang mikrobyo.Sa lymph nodes, sinasala ang lymph fluid para makita kung may bacteria o virus. Kapag may nakita, B cells at T cells ang lumalaban dito — gumagawa ng antibodies o pinapatay ang infected cells. Kasama rin ang spleen at thymus sa paglinis ng dugo at paghahanda ng white blood cells.Bukod sa immune function, Ito rin ay tumutulong sa pagbalanse ng likido sa katawan. Ito ay kumukuha ng excess interstitial fluid mula sa tissues at ibinabalik ito sa bloodstream, kaya’t naiiwasan ang edema o pamamaga.