Upang mapanatili ang tamang blood glucose level (karaniwang nasa 70–110 mg/dL), ang katawan ay gumagamit ng isang negative feedback mechanism sa tulong ng endocrine system.Ang tamang antas ng glucose sa dugo ay napakahalaga upang mapanatili ang enerhiya ng mga cells at organ systems ng katawan.. Kapag masyadong mataas o masyadong mababa ang glucose sa dugo, maaaring magkaroon ng seryosong epekto sa kalusugan tulad ng diabetes, hypoglycemia, o pagkawala ng malay.Kapag mataas ang glucose, ang pancreas ay maglalabas ng insulin. Tinutulungan ng insulin ang cells ng katawan (lalo na sa atay, muscles, at taba) na kunin ang glucose mula sa dugo. Bumababa ang blood sugar pabalik sa normal.