Ang muscular system at skeletal system ay nagtutulungan para tayo ay makagalaw. Ang buto ang nagsisilbing balangkas ng katawan, habang ang mga kalamnan ang humihila sa mga buto para makagawa tayo ng kilos tulad ng paglakad, pagtakbo, at pagsulat.Kapag kumikilos ang kalamnan, hinihila nito ang buto, kaya tayo ay nakakagalaw. Ang skeletal system ang nagsisilbing balangkas o framework ng katawan. Samantala, ang muscular system ay binubuo ng tatlong uri ng muscles: skeletal muscle, cardiac muscle, at smooth muscle. Sa usapin ng paggalaw, ang pinakamahalaga ay ang skeletal muscle, dahil ito ang nakakabit sa mga buto. Ang koneksyon ng muscle at bone ay sa pamamagitan ng tendons, na parang matitibay na tali na nagdudugtong ng kalamnan sa buto. Kapag ang muscle ay humihigpit, hinahatak nito ang buto kung saan ito nakakabit, kaya’t gumagalaw ang bahagi ng katawan.