Ang positive feedback ay isang mekanismo sa katawan kung saan ang isang proseso ay hindi kinokontra kundi lalo pang pinapalakas.Hindi madalas ginagamit ang positive feedback sa katawan dahil maaari itong maging delikado kung hindi makokontrol. Nangyayari ito sa blood clotting. Kapag nasugatan, ang platelets ay dumarating sa sugat at nagpapalabas ng kemikal para makaakit ng mas maraming platelets. Kapag natapos na ang proseso, saka lamang ito titigil.