Homeostasis ang dahilan kung bakit tayo nananatiling buhay at gumagana nang maayos kahit maraming nangyayari sa ating kapaligiran—mainit man, malamig, gutom, pagod, o may sakitIto ay ang kakayahan ng katawan na mapanatili ang tamang balanse o estado sa kabila ng pagbabago sa paligid. Kung hindi na kontrolado ng katawan ang blood sugar, maaaring mauwi ito sa diabetes. Kapag hindi naayos ang tamang balanse ng tubig sa katawan, maaari tayong ma-dehydrate o mag-overhydrate. Kapag hindi stable ang temperatura ng katawan, maaaring magresulta sa lagnat o hypothermia.