Noong Hulyo 11, 1978, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential Decree No. 1596, na nagsasaad ng pag-angkin ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group (KIG) bilang bahagi ng pambansang teritoryo.Ang mga pulong ito ay bahagi ng Spratly Islands na matatagpuan sa West Philippine Sea, humigit-kumulang 270 kilometro mula sa Palawan. Layunin nito na maprotektahan ang interes ng bansa sa mga likas-yaman sa lugar tulad ng langis, gas, at isda.