Ang Island Origin Hypothesis ay isang teorya na nagsasabing ang ilang species, o sa konteksto ng tao, ang mga unang tao sa isang lugar ay nagmula o umusbong sa mismong mga isla, hindi mula sa kalupaan (mainland). Sa paglalarawan ni Wilhelm Solheim II, partikular ito sa pinagmulan ng mga Austronesian na tao na nagmula sa mga isla ng Timog-Silangang Asya, tulad ng mga isla ng Indonesia at Mindanao, at hindi direktang mula sa mainland ng Asya.Ito ay nagsasaad na ang mga tao o species sa isang isla ay maaaring nag-evolve at nagkakaiba-iba doon mismo (in situ evolution) mula sa ilang naunang naunang mga nanirahan sa isla, kaysa sa pagiging nanggaling lang sa mainland population na lumipat papunta sa isla.