HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2025-07-24

Si Aling ising,isang matandang babae na may mga mata na puno ng kuwento,ay malungkot na nakatanaw sa kanyang tuyong bukirin.Dati ang kanyang palayan ay isang luntiang karpet,hitik sa mga tanim na palay na umaalon sa hangin.Ang mga palay na ito ay ang kanyang ikabubuhay ang kanyang pinagkukunan ng pagkain para sa kanyang pamilya.ngunit ngayon ang dating luntiang tanawin ay naging isang malungkot na alaala ng dating kasaganaan.Ang ilog na dati'y umaagos masigla ay halos tuyo na.Wala nang mga isda wala nang buhay.Ang mga matitinding ulan sa ibang lugar ay nag dudulot ng pagbaha sa kanilang bayan habang ang mga bagyo naman ay sumisira sa mga pananim.Ang panaho ay naging pabago bago mainit na mainit minsan tapos ay biglang bubuhos ang malakad na ulan na nag dudulot ng pagguho ng lupa.Ngunit kahit na ganito ang sitwasyon hindi parin sumusuko si Aling ising.Araw araw paulit ulit siyang nagtatanim umaasa sa isang masagang ani.Kasama ang kanyang mga kapitbahay nagtutulungan sila da paglilinis ng daluyan ng tubig sa ilog inaayos ang mga sirang kanal at nagtatanim ng mga puno upang mapanatili ang sustansiya ng lupa Ang kanilang pagkakaisa ay isang maliwanag na liwanag sa gitna ng kadiliman isang patunay na kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon ang pag asa ay nananatiling buhay Nais nilang maibalik ang dating fanda at kasaganaan ng kanilang nayon isang nayon na puno ng buhay at pag asa tanong:1.Ano ang kalagayan ng palayan ni Aing ising?2.Bakit kaya nawalan ng tubig ang ilog at mga isda?Ano ang maaaring dahilan nito?3.Ano ang mga epekto ng pabago bagong panahon sa buhay ni Aling Ising at ng kanyang kumonidad?4.Ano ang mga posibleng solusyon?5.Kung ikaw si Aling Ising ano ang gagawin mo upang mapanatili sng ang pag asa at maibaik ang dating sigla ng iyong bukirin at kumonidad?6.Ano ang kahalagahan ng pagtutulungan at pag asa sa pagharap sa mga hamon ng pag babago ng klima?​

Asked by dangsglenlie

Answer (1)

Ang kalagayan ng palayan ni Aling Ising ay tuyo at hindi na kasing sigla ng dati, na dati’y luntian at hitik sa palay.Nawalan ng tubig ang ilog at mga isda dahil sa matinding pagbabago ng panahon at kakulangan ng ulan, pati na rin ang pagkasira ng kapaligiran.Ang pabago-bagong panahon ay nagdudulot ng pagkasira ng pananim, kawalan ng kabuhayan, at paghihirap ng komunidad.Posibleng solusyon ang pagtutulungan sa paglilinis ng daluyan ng tubig, pagtatanim ng puno, at pangangalaga sa kapaligiran.Kung ako si Aling Ising, magpapatuloy akong magtanim, makikipagtulungan sa kapitbahay, at hahanap ng paraan upang mapanatili ang sigla ng bukirin.Ang kahalagahan ng pagtutulungan at pag-asa ay nagpapakita na kahit gaano kahirap ang sitwasyon, kung sama-sama at may pag-asa ang mga tao, maibabalik ang kasaganaan ng komunidad.

Answered by BrainlyModIsBusy | 2025-08-02