Simple at Madaling Intindihin – Nakabatay ito sa mga nakasanayan, kaugalian, at tradisyon ng isang komunidad kaya hindi komplikado ang pamumuhay.Pantay-pantay ang mga Gawain – Halos lahat ay may papel sa paggawa at distribusyon ng produkto, tulad ng pagsasaka, pangingisda, at pangangaso.Matibay na Ugnayan ng Pamilya at Komunidad – Malakas ang pagtutulungan dahil magkakakilala ang mga tao at iisa ang layunin.Kaunting Gastos – Hindi kailangan ng teknolohiya o mamahaling kagamitan.Likas-kayang Pamumuhay – Kalikasan ang pinanggagalingan ng mga yaman, kaya natututo ang mga tao ng tamang paggamit at pag-alaga rito.