HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2025-07-23

PAGSASANAY 3 Panuto:Basahin ang pangungusap sa Hanay B at piliin ang angkop na kahulugan ng sawikaing ginamit sa pangungusap. A.Nabubuhay sa hirap B.Kalimutan C.Bigong-bigo D.Tandaan E.Bastos magsalita F.Mahilig sa gala o lakad G.Mabait na tao H.Maitim at maputi 1.Katsismisan J.Hindi totong nagdadalamhati, pakitang tao 1. Dapat lang na ikrus sa noo ang lahat ng sinasabi ng iyong Lola. 2. Kung palaging maanghang ang dilani Biboy, kaiinisan siya lagi ng mga tao sa paligid niya. 3. Hindi na dapat makati ang paa ng mga taong may asawa. 4. Dati kaming isang kahig, isang tuka, isang beses sa isang araw kaming nakakain. 5. Isulat mo na lang sa tubig ang mga pinag-usapan natin. 6. Napansin ni Aling Judy na laylay ang balikat ng kaniyang anak kaya agad niya itong kinausap ng masinsinan. 7. Animo'y totoo pero luha ng buwayalang naman ang ipinakita niya sa iyo. 8. Papaano naging maamong korderoang dating basagulerong si Bitoy? 9. Madaling malaman kung sino sa kambal sina Melai at Melanie dahil sa kulay nilang kape at gatas. 10. Tuwing umaga, kaututang dila ni Linda si Cely. Pangalan at Lagda ng Magulang​

Asked by jonnahlynvasquez951

Answer (1)

D. Tandaan 1.) Dapat lang na ikrus sa noo ang lahat ng sinasabi ng iyong Lola. ang ikrus sa noo ay nangangahulugan na "pakitandaan". E. Bastos magsalita 2.) Kung palaging maanghang ang dila ni Biboy, kaiinisan siya lagi ng mga tao sa paligid niya. ang maanghang ang dila ay nangangahulugan na "bastos magsalita".F. Mahilig sa gala o lakad 3.) Hindi na dapat makati ang paa ng mga taong may asawa. ang makati ang paa ay nangangahulugan na "mahilig gumala".A. Nabubuhay sa hirap 4.) Dati kaming isang kahig, isang tuka, isang beses sa isang araw kaming nakakain. ang isang kahig, isang tuka ay nangangahulugan na "laki sa hirap".B. Kalimutan 5.) Isulat mo na lang sa tubig ang mga pinag-usapan natin. ang isulat sa tubig ay nangangahulugan na "huwag pakitandaan". C. Bigong-bigo 6.) Napansin ni Aling Judy na laylay ang balikat ng kaniyang anak kaya agad niya itong kinausap ng masinsinan. ang laylay ang balikat ay nangangahulugan na "bigong-bigo". J. Hindi totoong nagdadalamhati, pakitang tao 7.) Animo'y totoo pero luha ng buwaya lang naman ang ipinakita niya sa iyo. ang luha ng buwaya ay nangangahulugan na "hindi totoo ang pagdadalamhati". G. Mabait na tao 8.) Papaano naging maamong kordero ang dating basagulerong si Bitoy? ang maamong kordero ay nangangahulugan na "mabuting tao". H. Maitim at maputi 9.) Madaling malaman kung sino sa kambal sina Melai at Melanie dahil sa kulay nilang kape at gatas. ang kulay na kape at gatas ay nangangahulugan na "maitim at maputi na kulay ng balat".I. Katsismisan 10.) Tuwing umaga, kaututang dila ni Linda si Cely. ang kaututang dila ay nangangahulugan na "katsismisan o kadaldalan".

Answered by BraeMcPie | 2025-07-24