HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Junior High School | 2025-07-23

Lahat ba ng tao ay pantay-pantay (equal) sa panahon ng disaster? Wala bang pinipiling kasarian, edad, etnisidad, at katayuang ekonomiko at panlipunan ang papatayin o pipinsalain ang disaster?​

Asked by AbuboJoy

Answer (1)

Answer:Sa aking pananaw, hindi pantay-pantay ang epekto ng disaster sa tao dahil ang disaster ay maaaring tumama sa kahit sino, anuman ang kasarian, edad, etnisidad, o katayuang panlipunan nito. at hindi pare-pareho ang antas ng pinsala at kakayahang makabangon ng bawat isa. dahil may iba’t ibang salik na nakaaapekto sa kahinaan o pagiging bulnerable ng isang tao o grupo sa disaster. halimabawa:Mahihirap – mas malaki ang posibilidad na sila ay bahain sapagkat karamihan sa mahihirap masasabi nating nakatira sa mga landslide prone areas or mga lugar na madaling bahain at madalas ay kulang sila sa access sa ligtas na tirahan o serbisyong pang-emerhensiya dahil na rin sa antas ng kanilang buhay. Kababaihan at bata – mas mataas ang panganib sa panahon ng evacuation o relief operations, kabilang na ang karahasang pisikal o sekswal.Mga matatanda at PWDs (persons with disabilities) – nahihirapan sa paglikas dahil sa tanda o kakulangan ng access sa mga serbisyong medikal at impormasyon.Indigenous peoples o etnikong minorya– maaaring hindi kaagad nakatatanggap ng tulong dahil sa diskriminasyon o dahil sa heograpikal na lokasyon nila. dahil kumbaga apra sa ibang tao sila ay naiiba sa pang karaniwang tao. LGBTQIA+ – posibleng makaranas ng diskriminasyon sa evacuation centers o kapag humihingi ng tulong.sa madaling salita, ang disaster ay hindi namimili ng tatamaan, ang epekto nito ay lubhang naiiba depende sa katayuan ng tao sa lipunan. Kaya mahalaga ang inclusive at makataong disaster preparedness at response, para walang maiiwan sa panahon ng sakuna.

Answered by aturservice0 | 2025-07-23