HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Junior High School | 2025-07-23

give me 5 na likas na yaman​

Asked by fretsnfranco

Answer (1)

Likas na YamanAng likas na yaman ay tumutukoy sa mga natural na bagay na galing sa ating kalikasan na nagdudulot ng pag-unlad ng isang bansa tulad ng tubig, lupa, mineral, kagubatan at tao. Uri ng Likas na Yaman:Yamang tubigYamang lupaYamang mineralYamang gubatYamang taoYamang TubigIto ang mga yaman na nakukuha sa katubigan. Sa anyo ng tubig ang isa sa ating pinagkukunan ng ating mga kinakain tulad ng isda, gaya ng bangus, tilapia, galunggong, at tulingan. Dito rin natin nakukuha ang mga ginagamit natin sa mga bracelets gaya ng mga perlas, dito rin makikita ang mga kamangha-manghang coral reefs sa ilalim ng katubigan na meron ang Pilipinas. Yamang LupaIto naman ang yaman na nanggagaling o matatagpuan sa iba't ibang anyo ng lupa, kung saan may mga natural resources ang makukuha rito. Halimbawa ng yamang lupa ay ang mga puno na may iba't ibang nakukuhang prutas gaya ng mansanas at mangga. Maaari rin makagawa ng mga materyales gaya ng mga sinulid na gawa sa puno ng abaka. Yamang MineralAng yamang mineral ay mga likas na yaman na nakukuha mula sa ilalim ng lupa. Ginagamit ito sa paggawa ng iba't ibang produkto tulad ng bakal para sa mga industrial constructions, ginto para sa alahas, at langis para sa sasakyan tulad na lamang ng ginto, uling, langis, at tanso. Yamang GubatAng yamang gubat ay tumutukoy sa mga likas na yaman na matatagpuan sa mga kagubatan. Kabilang dito ang mga puno, hayop, at iba pang halaman na may malaking gamit sa ating kabuhayan. Isang halimbawa nito ay ang kahoy na ginagamit para sa paggawa ng bahay at kasangkapan. Yamang TaoAng yamang tao ay tumutukoy sa mga mamamayan ng isang bansa na may kakayahang magtrabaho at mag-ambag sa pag-unlad ng lipunan. Halimbawa ay ang mga magsasaka, sila ang mga nagta-trabaho sa mga palayan na siyang pinagkukunan natin ng suplay ng pagkain.

Answered by chaeunniekks | 2025-07-24