HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Junior High School | 2025-07-23

waste management dapat ba ito bigyan ng pansin?bakit?

Asked by DaisyRoseCasia

Answer (1)

Hindi natin maipagkakaila na and waste management ay hindi sinusunod ng mga tao lalo na dito sa ating bansa. Ang mga basura ay nagkalat na, mula sa mga kalsada pati na din sa ilog kung saan ito ay nakakaapekto sa ating kapaligiran lalo na sa ating kalusugan. Madami itong kaakibat na masamang epekto kung hindi nasunod ito ay ang mga sumusunod: polusyon sa hangin, lupa, at tubig, pati na din ang iba't ibang sakit gaya ng typhoid, mga isyu sa paghinga, at mga impeksyon sa balat. Kaya naman, nararapat na bigyang pansing ang waste management upang maiwasan ang pagsira sa kalikasan at maprotektahan ang ating mga kalusugan. Simulan sa tamang pagtapon ng basura, pagiwas sa pag-gamit ng mga styrofoam, cellophane bags, at plastics, mabuti na ring iwasan ang pagsunog ng mga basura gaya na lamang ng mga goma.

Answered by axieleigh157 | 2025-07-23