HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Elementary School | 2025-07-23

48 1. Pag may isinuksok, may madudukot. A. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok. B. Madalas ay inilalagay ng mga Pilpino ang pera sa alkansiya para pag dumating ang oras ng pangangailangan ay may magagasta. C. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao. B2. Kung anong taas ng lipad, siyang lakas ng pagbagsak. A. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap. B. Ang taong mapagmataas ay siyang kadalasang nakararanas ng matinding pagbagsak. C. Hindi masamang mangarap ng mataas, huwag lamang sa paraang pag-isipan ng masama ang kapwa. 3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain. A. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso. B. Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang makamit ito. C. Kailangang mahgtrabaho upang may makain. 4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin. A. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan. B. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin. C. Ang masarap na kanin ay mahirap kainin. 5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon. A. lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang tagumpay. B. Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong. C. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matatapos.​

Asked by keithervictabang88

Answer (1)

1. A. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok. Ang taong marunong magtabi o mag-impok ay may mahuhugot o magagamit kapag dumating ang oras ng pangangailangan.2. B. Ang taong mapagmataas ay siyang kadalasang nakararanas ng matinding pagbagsak. Ang taong mayabang o nagmamalaki ay kadalasang nagkakaroon ng mas malupit na kabiguan kapag bumagsak sa buhay.3. B. Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang makamit ito. Tumutukoy ito sa taong tamad o hindi naghahanda. Kumikilos lamang kapag may pangangailangan.4. A. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan. Kapag pinaghirapan mo ang isang bagay, mas matindi ang iyong kasiyahan kapag nakuha mo ito.5. C. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matatapos. Kapag nagsimula ka agad sa trabaho o gawain, matatapos mo rin agad at maaabot ang tagumpay nang mas maaga.

Answered by BrainlyModIsBusy | 2025-07-28