HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2025-07-23

FILIPINO 3 UNANG ARAW (Linggo 5) Hanapin ang salitang magkasingkahulugan sa bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Nagluto si inay ng masarap na adobo, napakalinamnam ng sarsa nito. 2. Umuwi si Lito na marumi ang damit, kakalaro sa madungis na palaruan. 3. Masyadong maingay ang busina ng sasakyan, nagkakagulo ang mga tao sa daan. 4. Ang aming barangay ay sagana sa prutas, gulay at marami ring mga alagang hayop. 5. Maligayang ipinagdiriwang ni Aileen ang kaniyang kaarawan, masayang-masaya siya sa regalong natanggap. Pagtataya Piliin ang kasingkahulugan ng nasalungguhitang salita sa loob ng panaklong. 1. Masarap ang lutong Kaldereta ni lola. (malinamnam, mapakla). 2. Si Carlo ay mabilis na tumakbo nang makakita ng aso. (mabagal, maliksi) 3. Ang sarap maligo sa malinis na tubig. (dalisay, marumi) 4. Siya ay maralita ngunit maligaya naman. (mahirap, mayaman) 5. Mapagkumbaba ang aking ina kaya siya'y pinagpapala. (mayabang, mahinahon)​

Asked by edecelcaranto

Answer (1)

Magkasingkahulugan1. Nagluto si inay ng masarap na adobo, napakalinamnam ng sarsa nito. masarap – napakalinamnam2. Umuwi si Lito na marumi ang damit, kakalaro sa madungis na palaruan. marumi – madungis3. Masyadong maingay ang busina ng sasakyan, nagkakagulo ang mga tao sa daan. maingay – nagkakagulo4. Ang aming barangay ay sagana sa prutas, gulay at marami ring mga alagang hayop. sagana – marami5. Maligayang ipinagdiriwang ni Aileen ang kaniyang kaarawan, masayang-masaya siya sa regalong natanggap.maligayang – masayang-masayaKasingkahulugan 1. Masarap ang lutong Kaldereta ni lola. (malinamnam, mapakla). masarap – malinamnam2. Si Carlo ay mabilis na tumakbo nang makakita ng aso. (mabagal, maliksi) mabilis – maliksi3. Ang sarap maligo sa malinis na tubig. (dalisay, marumi) malinis – dalisay4. Siya ay maralita ngunit maligaya naman (mahirap, mayaman) maralita – mahirap5. Mapagkumbaba ang aking ina kaya siya'y pinagpapala. (mayabang, mahinahon)mapagkumbaba – mahinahonKasingkahulugan madalas gamit ito sa pagsagot ng tanong, like for example: "Ano ang kasingkahulugan ng masarap?", habang ang Magkasingkahulugan ay mga salita na magkaiba pero magkapareho naman ito ng kahulugan.

Answered by BraeMcPie | 2025-07-24