Ang pisikal na katangian ng aking kapaligiran ay malaki ang naging epekto sa aking pang-araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral. Halimbawa, kung ang aking kapaligiran ay matahimik at malinis, mas nakakapag-focus ako sa pag-aaral at paggawa ng takdang aralin. Kapag naman mainit ang panahon o maingay ang paligid, madalas akong madaling ma-distract at mawalan ng gana sa pag-aaral.Bukod dito, kung malayo ang paaralan at maraming lubak ang daan, nahihirapan akong pumasok sa oras at napapagod agad sa biyahe pa lang. Ngunit kung maaliwalas at maayos ang paligid, mas nagiging magaan ang aking pakiramdam at mas inspirado akong pumasok sa paaralan.