Makatutulong ang kaalaman sa pagkakakilanlan ng iba't ibang pangkat etnolingguwistiko sa pagpapalalim ng pag-unawa, respeto, at pagkakaisa ng mga mamamayan sa kabila ng pagkakaiba-iba sa wika, kultura, at tradisyon.Sa pamamagitan nito, napapahalagahan natin ang yaman ng ating kultura bilang isang bansa. Nakakatulong din ito sa pagtatanggol at pagpapanatili ng katutubong wika at gawi, at nagiging daan ito upang mas maging bukas ang ating isipan sa pagkakaiba ng bawat isa.Kung tayo ay may kaalaman at respeto sa iba’t ibang pangkat, mas mapapalakas natin ang pagkakaisa at pagkakaunawaan, na mahalaga sa pag-unlad ng ating bayan.