Naiintindihan ko na ang Timog-Silangang Asya ay tahanan ng iba’t ibang relihiyon tulad ng Buddhism, Islam, Hinduism, at Kristiyanismo. Dahil dito, makikita ang malawak na respeto sa pananampalataya ng bawat isa. Malaki ang epekto ng relihiyon sa kultura ng rehiyon — sa mga pista, kasal, pananamit, at pag-uugali ng mga tao. Halimbawa, ang mga Buddhist ay nagpapakita ng katahimikan at pagninilay, habang ang mga Muslim ay mahigpit sa pagkain at panalangin. Sa pamumuhay, nagiging gabay ang relihiyon sa mga desisyon at pagpapahalaga ng tao. Nakakatulong din ito sa pagkakaroon ng pagkakaisa at pagkakaiba-iba na may paggalang. Dahil sa relihiyon, mas nakikilala natin ang ugat ng kultura ng bawat bansa sa rehiyon.