HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Edukasyon sa Pagpapakatao / Senior High School | 2025-07-23

Ang Pakikilahok ng Bawat Mamamayan Ang lipunang sibil, kasama ng iba pang mga institusyon at sektor, ay inaasahang pamumuhay ng PAG magagampanan ang mga layuning makatutulong sa matatag at mahusay na tao. Inaasahan ng bawat kasapi ng lipunan na ang kanilang pangangailangan ay matutugunan ng angkop na sektor ng lipunan sapagkat ito ay bahagi ng kanilang karapatang pantao. Sa kabilang banda, dapat ding maunawaan na magagawa lamang ng isang bahagi, institusyon, ahensiya o sektor ng lipunan ang kanilang gampanin kung makikipagtulungan at makikilahok ang bawat tao sa lipunang iyon. Una sa lahat , kailangang ang bawat isa ay maging mapagbantay at tumitiyak na ang mga gawain ng mga binanggit na bahagi ng lipunan ay kumikilos ayon sa kanilang legal at moral na gampanin. Ibig sabihin, mahalaga na nauunawaan ng bawat kasapi ng lipunan ang sakop at limitasyon ng gampanin ng lipunang sibil upang makita nila kung ang mga ito ay matagumpay o umaabuso sa kanilang mga gampanin. Dapat tandaan na ang mga bahaging ito ay nabuo para sa kabutihan ng lipunan. Kung ang kanilang mga gawain ay nakasisira sa halip na nakatutulong sa lipunan, may pananagutan ang bawat isa na ituwid at kontrolin ang mapaminsalang bahagi na ito. Gayundin, ang kabutihan ng lahat sa lipunan ay hindi lamang gampanin ng lipunang sibil. Ito ay pananagutan ng lahat ng kasapi sa lipunan. Ang lahat ng tao na nagnanais ng kabutihang panlahat ay marapat lamang na makibahagi upang makamit ito at magbigay ng kanilang intelektuwal, materyal, o pisikal na kontribusyon. Ang bawat isa, anuman ang gulang, kasarian, o antas ng pamumuhay, ay may maibibigay para sa lipunan bilang kasapi o apektadong bahagi nito. Halimbawa, maaaring maging maingat at mapagbantay sa paggamit ng media at pagtanggap sa mga impormasyon na ibinibigay ng mga ito. Ang pagiging media literate ay isang katangian na dapat na pinauunlad sa panahong ito na lahat ng bagay ay makukuha o malalaman na sa isang iglap sa pamamagitan ng media. Bilang kasapi ng simbahan, maaaring maging katulong nito upang maipahatid sa kapwa ang mensahe ng pag-asa at makibahagi sa mga gawain nito upang makatugon sa espiritwal na pangangailangan nila. Dapat ding maging mapagbantay at magpahayag ng pagtutol kapag lumalagpas ang simbahan sa kanyang gampanin. Sapagkat ang lipunang sibil ay marami at magkakaiba, ang pagiging kasapi ng alinman makilahok sa kanila. Sa pagsapi o pagsuporta sa alinmang lipunang sibil, makabubuti na sa mga ito o kaya ay pagsuporta sa kanilang mga layunin at gawain ay isang paraan upang hanapin ang pangangailangan na malapit sa iyong puso. Makabubuting alamin kung ano ang pangangailangan na nais mong personal na tugunan o partikular na mga tao na nais tulungan. aaral, maaaring humanap ng lipunang sibil na ito ang tuon at sumapi o kaya ay magbigay ng Halimbawa, kung apektado ka ng mga pangangailangan ng mga kabataang hindi nakapag- tulong sa pamamagitan ng organisasyon.​

Asked by richardlamo124

Answer (1)

Ang pakikilahok ay tungkulin ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng balanse, pagkakaisa, at tunay na malasakit sa isa’t isa.1. Nagpapatatag ito ng lipunanKapag ang bawat isa ay tumutulong, mas mabilis matugunan ang mga suliranin ng komunidad.2. Nagsisiguro ito ng pananagutanAng pagiging mapagbantay ng mga mamamayan ay tumutulong para hindi mag-abuso ang mga institusyon gaya ng simbahan, media, o pamahalaan.3. Naipapahayag ang mga hinaing at opinyonAng pakikilahok ay paraan upang marinig ang boses ng mamamayan lalo na sa mga isyung panlipunan.4. Nagbibigay ito ng kontribusyon sa kabutihang panlahatMaaaring tumulong sa pamamagitan ng kaalaman, oras, talento, o gamit.5. Napapalakas ang demokrasyaKapag aktibo ang mga tao sa lipunan, mas nagiging makatarungan at makatao ang mga desisyon.HalimbawaPagsali sa youth organizations.Pagsuporta sa environmental groups.Pagtulong sa outreach programs ng simbahan.

Answered by BrainlyModIsBusy | 2025-07-24