Bilang mag-aaral, mahihikayat ko ang aking kapwa na sumali sa mga gawaing pangkapaligiran sa pamamagitan ng pangunguna sa simpleng gawain tulad ng pagtatanim ng halaman sa paaralan, tamang pagtatapon ng basura, at pagsali sa clean-up drive. Maaari rin akong gumawa ng mga impormasyon tulad ng posters at seminar upang ipakita ang kahalagahan ng malinis na kapaligiran sa kalusugan ng lahat. Kapag nakikita nila ang aking aktibong pakikilahok, mahihikayat silang makiisa dahil alam nilang may benepisyo ito para sa komunidad at sa kalikasan.