Iraq ang bagong pangalan ng Mesopotamia. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng ilog Tigris at Euphrates kung saan nagsimula ang ilan sa mga pinakaunang sibilisasyon sa buong mundo tulad ng Sumerian, Babylonian, at Assyrian. Ngayon, ang malaking bahagi ng dating Mesopotamia ay nasa loob na ng modernong bansang Iraq kaya ito na ang kinikilalang bagong pangalan nito.