Ang solid waste ay isang pangunahing Isyung pangkapaligiran na nagdudulot ng panganib sa kapaligiran dahil sa kapabayaan ng mga tao. Tumutukoy ito sa mga basurang pakalat-kalat mula sa tahanan maging sa mga commercials establishment, madalas na nakikita sa paligid na tambak ng basura. Ang basura na ay laging tambak sa mga residential areas na may 56.7% na naitala mula sa Municipal Solid Wastes in the Philippines 2008-2013. SuliraninDahil sa laging hindi pagtatapon ng basura sa tama, nagreresulta ito ng madalas na pagbaha tuwing tag-ulan o tuwing may bagyo. Nakakadagdag ito sa pagtaas ng kanal sa tabi-tabi dahil sa pagtatapon kung saan-saan ng basura sa mga pampublikong lugar. May malaking epekto ito sa ating likas na yaman, gaya ng yamang tubig, dahil sa mga basurang nakapalibot ay nakakain ito ng mga isda ay bumababa ang produksiyon ng ating pagkain. Isa na rin dito ang pagsusunog ng basura na nakakaapekto sa ating hangin.Nagbibigay ng sakit sa tao dahil sa leachate plume na nanggagaling sa basura at nakokontamina sa tubig. SolusyonIsa sa mga madaling solusyon dito ay ang pagsunod sa 3R's:ReduceReuseRecycleMayroon na rin tayong batas na naglalayon na balansehin ang proseso ng solid waste sa ating bansa, ito ang Republic Act 9003: Ecological Solid Waste Management Act of 200. Sa batas na ito, kinakailangan na may wastong pangongolekta at pagtatapon ng basura ng mga tao, makakatulong ito para sa kalusugan ng lahat at para na rin upang mabawasan ang pagdami ng basura sa kapaligiran. Sa batas na ito, may multa na matatanggap ang taong lalabag sa utos ng batas.