Ang Timog-Silangang Asya ay may mainit at basang klima, kaya maraming uri ng halaman ang nabubuhay dito. Ang mga kagubatan ay tahanan ng maraming hayop at nagsisilbing tagapangalaga ng kalikasan.Tropical Rainforest – Makapal at luntiang kagubatan na tumatanggap ng maraming ulan. Makikita ito sa mga bansang tulad ng Indonesia, Malaysia, at Pilipinas.Mangrove Forest – Mga punong kahoy na tumutubo sa baybayin o tabing-dagat. Mahalaga ito para sa mga isda at ibon.Grassland o Damuhan – Malawak na bukirin na may matataas na damo, lalo na sa mga tuyong bahagi.Bamboo Forest – Matatagpuan sa mga bahagi ng Vietnam, Laos, at Thailand.