KARAPATAN NG BATA SA PAARALAN Ang bata ay mayroong karapatan sa paaralan upang siya ay makapag-aral nang maayos at ligtas. Halimbawa: Karapatang makapag-aral - pagpasok sa paaralan at pagkakaroon ng kaalaman. Karapatang magpahayag ng saloobin - pagsasabi ng opinion sa maayos na paraan.Karapatang maging ligtas - proteksyon sa bullying o pananakit sa kapwa bata. TUNGKULIN NG BATA SA PAARALAN Ang bata ay mayroong tungkulin sa paaralan na dapat gampanan upang panatilihin ang kaayusan at respeto sa loob ng paaralan. Halimbawa: Pumasok sa klase araw-araw - pagiging responsible sa pag-aaral. Sumunod sa mga alituntunin ng paaralan - tulad ng pagsusuot ng tamang uniform at pagbati sa mga guro. Pakikibahagi sa mga aktibidad ng paaralan - aktibong pakikilahok sa group works at ibang event ng paaralan. [tex] [/tex]