Mapanganib ang ultraviolet (UV) light kapag masyadong mataas ang antas nito. Ang ozone layer ang nagsisilbing proteksyon ng mundo laban sa UV rays mula sa araw.Parang payong ang ozone layer. Kung wala ito, direktang tatama sa atin ang init ng araw na sobrang lakas—kaya delikado sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran.Kung mawawala ang ozone layer:Skin Cancer – Dahil sa sobrang UV rays, maaaring masira ang balat at magdulot ng kanser.Cataracts – Ang UV rays ay maaaring makasira sa mata at magdulot ng panlalabo ng paningin.Kahinaan ng Immune System – Nagiging mas madali tayong kapitan ng sakit.Pagkasira ng pananim at marine life – Apektado rin ang mga halaman at hayop sa dagat.