Ang mga layunin ng Kilusang Katipunan ay ang mga sumusunod:Makapagbuo ng matatag na alyansa at pagkakaisa sa bawat kasapi ng Katipunan.Mapagkaisa ang mga Pilipino sa pagiging isang matatag na bansa.Makamtan ang kalayaan o kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga mananakop na Espanyol sa pamamagitan ng armadong pakikipaglaban o rebolusyon.Makapagtatag ng isang republika matapos makamit ang kasarinlan.Ang Katipunan ay itinatag bilang sagot sa pagkabigo ng mapayapang pamamaraan ng Kilusang Propaganda, kaya ito ay isang militanteng kilusan na naglalayon na wakasan ang pananakop ng Espanya at ipaglaban ang tunay na kalayaan ng bansa.