Itinaguyod ng mga propagandista ang pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas at sa karapatan bilang mamamayan.Layunin ng mga propagandista na kilalanin ang Pilipinas bilang opisyal na lalawigan ng Espanya upang mapabilang ang mga Pilipino sa mga karapatang tinatamasa ng mga Espanyol. Itinataguyod nila ang pagtatayo ng mga samahan na magpapalaganap ng edukasyon, pagkakaisa, at nasyonalismo ng mga Pilipino. Isa sa mga layunin nila ang pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes ng Espanya upang marinig ang boses ng mga Pilipino sa paggawa ng batas. Nais ng mga propagandista na alisin ang kapangyarihan ng mga prayle sa simbahan at palitan sila ng mga sekular na pari na Pilipino. Ipinaglaban nila ang mas bukas, pantay, at makabago na sistema ng edukasyon at ang pagpapaunlad ng agrikultura para sa kapakanan ng mamamayan.Layunin ng kilusan ang ibalik ang karapatang magsalita, magpahayag ng opinyon, at magpetisyon sa pamahalaan para sa katarungan at reporma.