Sang-ayon ako sa hindi pagkilala ni Andres Bonifacio sa naging resulta ng eleksyon sa Kumbensiyon sa Tejeros, at ito ay may malakas na batayan sa kasaysayan. Matapos ang eleksyon noong Marso 22, 1897 sa Tejeros Convention, na kung saan si Emilio Aguinaldo ang inihalal bilang presidente at si Bonifacio naman ay nahalal bilang Secretary of the Interior. Ngunit sinalungat ni Daniel Tirona, isang kasapi, ang pagiging karapat-dapat ni Bonifacio sa posisyong iyon dahil wala umano siyang sapat na edukasyon, na labis na naka-insulto kay Bonifacio. Dahil dito, idineklarang walang bisa o "null and void" ni Bonifacio ang mga resulta ng eleksyon at umalis sa pagtitipon kasama ang kanyang mga tagasuporta dahil sa pagkahiya at galit.