Sa palagay ko, ang pagpili ng French cuisine sa handaan ng Malolos ay maaaring dahil naaayon ito sa hangaring ipakita ang klaseng impluwensya ng Kanluran, lalo na ng mga Espanyol at Europeo, sa mga mahahalagang pagtitipon noong panahong iyon. Pinapakita rin nito ang pagpapahalaga sa kultura, pagiging pormal, at pagnanais ng mga Pilipino noon na makipagsabayan sa mga banyagang kaugalian bilang simbolo ng progreso at dignidad.Sang-ayon ako rito dahil ang pagkain ay hindi lang pang-tikim kundi bahagi ng pagpapahayag ng pagkakakilanlan at respeto sa okasyon. Sa ganitong paraan, naipapakita ng Malolos ang kanilang pag-asa at panibagong simula bilang isang malayang bayan.