HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Senior High School | 2025-07-22

Isulat kung Tama o Mali ang bawat pangungusap. Ilagay ang iyong sagot sa patlang ___1. Nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang lugar dahil sa pag-ikot ng araw sa daigdig. ___2. Dahil sa pag-ikot ng mundo sa sarili niyang aksis kung kaya may bahagi ng mundo na direktang nasisinagan at hindi nasisinagan ng araw. ___3. Malaki rin ang kaugnayan ng mga linya ng latitud sa uri ng klima sa mga lugar sa daigdig. ___4. Ang mga lugar na nasa mababang Latitud ay nakakaranas ng sobrang lamig na klima dahil ito ay nasa hilagang bahagi ng mundo. ___5. Ang Pilipinas ay nakararanas ng apat na uri ng klima; ang tagsibol, tag-init, taglagas at taglamig. ___6. Ang klima ay tumutukoy naman sa kalagayan ng panahon. ___7. Upang malaman ang klima ng isang lugar o bansa mahalagang matukoy ang lokasyon, topograpiya o paglalarawan ng lokasyon, katangian ng isang lugar, hangin at mga katubigan. ___8. Ang climate change, ay ang hindi pangkaraniwang pangyayari sa kalikasan. ___9. Ang PHILVOCS ay ahensiya ng gobyerno na tumutulong na malaman kung may padating na bagyo o ang nagrereport ng balita tungkol sa kalagayan ng panahon. ___10. Lumikas lamang sa kinalalagyan kapag masyado nang mataas ang tubig sa ating paligid.​

Asked by comiaregina04

Answer (1)

Mali – Ang klima ay hindi dahil sa pag-ikot ng araw sa daigdig, kundi dahil sa lokasyon, latitud, at iba pang salik.Tama – Dahil sa pag-ikot ng mundo sa kanyang aksis, kaya may mga bahaging direktang nasisinagan ng araw.Tama – Malaki ang epekto ng latitud sa klima. Mas malapit sa ekwador = mas mainit; mas malayo = mas malamig.Mali – Ang mga nasa mababang latitud ay kadalasang mainit ang klima dahil malapit ito sa ekwador.Mali – Dalawa lang ang uri ng panahon sa Pilipinas: tag-init at tag-ulan.Mali – Ang klima ay pangmatagalang kalagayan ng panahon, hindi ang kasalukuyang lagay ng panahon.Tama – Mahalaga ang lokasyon, topograpiya, hangin, at katubigan sa pagtukoy ng klima.Tama – Ang climate change ay hindi normal na pagbabago sa klima ng mundo.Mali – Ang PHIVOLCS ay para sa lindol at bulkan. Ang PAGASA ang para sa bagyo at panahon.Mali – Dapat lumikas bago pa tumaas ang tubig bilang pag-iingat.

Answered by BrainlyModIsBusy | 2025-07-22