HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Elementary School | 2025-07-22

Panuto: Basahin at unawain ang teksto, pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagotSi Pia ay isang Tourist Guide, tinatangkilik niya ang mga lugar sa sariling bansa kaya naman dahil dito ninais ng mga Dayuhang Turista na sila ay makapamasyal sa mga lugar sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay mayaman sa mga katangiang pisikal, nariyan ang pamosong Mt. Apo sa Mindanao na tanyag sa kanyang kataasan na umaabot ng 9,692 ft. Ang Laguna de Bay sa Laguna na ubod ng lawak na umaabot ng 352-366 milya kwadrado. Ang Ilog Pasig na naisalba sa pagkawala na may taglay pa ring karikitan na may 15.5 milya at ang ipinagmamalaki ng Ifugao, ang Banawe Rice Terraces na may sukat na 1500 meters 5000 talampakan. Natapos ang kanilang pamamasyal na may ngiti sa mga labi dahil sa napagmasdan nilang kagandahan.1. Ano ang Pagkakapareho ng ng mga katangiang pisikal na matatagpuan sa Pilipinas ayon sa nabasang teksto?A. AnyoB. LawakC. LugarD. Sukat2. Ano ang resulta ng wastong paggamit ng tao sa mga kapaligirang likas?A. Maipagmamalaki sa mga dayuhanB. Makatutulong sa PagsulongC. Maisasalba sa pagkasiraD. Tatangkilikin ng nakararami3. Ano ang mangyayari kung lahat ng tour guide ay may katangiang tulad ng kay Pia?A. Marami ang pupunta at mamamasyal sa PilipinasB. Marami pang mga likas na yaman ang makikilalaC. Marami sa mga dayuhan ang uuwing may ngiti sa labiD. Malaki ang iuunlad ng turismo sa Pilipinas4. Ano ang tawag sa uri ng behetasyon na inilararawan bilang damuhan at kagubatan at karaniwang makikita sa bansang Myanmar at Thailand na nasa Timog-Silangang Asya. Anong behetasyon ang inilalarawan dito?A. PrairieB. SavannaC. TaigaD. Tundra

Asked by PauMatsumoto5192

Answer (1)

1. D. SukatLahat ng nabanggit sa teksto ay may tinukoy na sukat, tulad ng taas ng Mt. Apo at lawak ng Laguna de Bay.2. C. Maisasalba sa pagkasiraKapag inalagaan natin ang kalikasan, mananatili itong maganda at hindi masisira, gaya ng nangyari sa Ilog Pasig.3. D. Malaki ang iuunlad ng turismo sa PilipinasAng sipag at pagmamalasakit ni Pia ay humikayat ng mga turista. Kapag ginaya ito ng iba, uunlad ang turismo.4. B. SavannaAng savanna ay behetasyong may damuhan at kalat-kalat na puno, karaniwang sa tropikal na rehiyon.

Answered by BrainlyModIsBusy | 2025-07-22