Ang traditional economy ay isang sistema ng ekonomiya kung saan ang mga tao ay umaasa sa mga nakagawiang tradisyon, kultura, at paniniwala ng kanilang grupo o komunidad sa kanilang pamumuhay. Karaniwan, ang paggawa, pagtatanim, at pangingisda ay ginagawa para sa sariling gamit at hindi para sa kita. Sila ay umaasa sa pakikipagpalitan ng mga kalakal na kanilang ginagawa. Mga halimbawa ng gumamit ng traditional economyInuit people ng ArcticMaasai tribe sa silangang bahagi ng AprikaNomadic Sioux tribeIlang Amazonian tribes sa BrazilKaramihan ng gumagamit ng traditional economy ay ang mga indigenous people o mga tribo sa iba't ibang parte ng mundo.