Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba, at sikaping maging kritikal sa epekto ng kanyang desisyon sa buhay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Nag-asawa si Pedring sa murang edad at nagkaroon ng anim na anak.
Nabubuhay siya sa pagiging kargador sa pier sa Banago at kumikita ng
P100.00 araw-araw. Ito lamang ang kanyang naging trabaho dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ngunit dumating ang pinakamasaklap na
pandemyang COVID-19 kung saan "No Work, No Pay," at sarado ang lahat
ng mga gawaing komersiyo. Ang tanging inaasahan nila ay ang food packs at
ang tulong pinansyal ng pamahalaan.