1. Ang mga Ilustrado ay hindi nakatulong sa laban pangkalayaan ng Pilipinas.W – Ang mga Ilustrado tulad nina Rizal, Del Pilar, at Jaena ay may malaking ambag sa kilusang propaganda na siyang naging daan para sa pagkabuo ng damdaming makabayan.2. Nagtagumpay ang mga repormistang makamit ang kanilang layuning maging probinsiya ng Espanya ang Pilipinas sa madaling paraan.W – Hindi nagtagumpay ang mga layunin ng repormista dahil tinanggihan ng Espanya ang kanilang mga hiling.3. Gawing lalawigan ng España ang Pilipinas ang isa sa layunin ng Kilusang Propaganda.T – Isa sa layunin nila ay gawing opisyal na lalawigan ang Pilipinas upang mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino tulad ng mga Espanyol.4. Ang paglabag sa karapatang pantao ay isa sa mga suliranin na itinuligsa ng Kilusang Propaganda.T – Binatikos nila ang pang-aabuso ng mga opisyal, prayle, at ang kawalan ng hustisya sa ilalim ng pamahalaang kolonyal.