Ito ay tumutukoy sa Exclusive Economic Zone (EEZ) na nakasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Ayon dito, ang isang kapuluang estado tulad ng Pilipinas ay may hurisdiksiyon hanggang 200 nautical miles mula sa batayang guhit ng territorial sea. Sakop nito ang karapatan sa mga yamang dagat, langis, mineral, at iba pang likas na yaman na nasa loob ng nasabing sakop. Ito ay nakabatay sa Doktrinang Pangkapuluan na nagbibigay-diin sa kalayaan ng bansa na gamitin at pangalagaan ang yamang-dagat sa loob ng EEZ.